Hindi na dapat pang masaktan
‘Di na hahayaan pang ipilit pang
Muli sa iyo ang aking puso
Na sana nga’y ikaw na ang huling mamahalin
Ngunit sadyang merong mga bagay-bagay
Kung puro na lang tayo away
Itama na ang bawat pagkakamali sa isa’t isa
Naglaho at nagbago na ang ‘yong ngiti
‘Di ka na muling iiyak at masasaktan
Kahit na ako ay may tama pa sa ’yo ohh
Nasanay na ang aking pusong kasama ka
Subalit kailangang matutong mag-isa
Hinding-hindi lang tayo bagay
Kung puro na lang tayo away
Itama na ang bawat pagkakamali sa isa’t isa
Naglaho at nagbago na ang ‘yong ngiti
‘Wag na nating pahirapan pa
Kung mahal pa natin ang isa’t isa
Itama na ang bawat pagkakamali sa isa’t isa
Naglaho at nagbago na ang ‘yong ngiti