Tatanggalin ang lungkot sa pisngi
Sabay tatawanan ang sakit at hindi na babalik pa
Pwedeng sandali lang muna
Pwede bang wala nang duda
Hilong damdamin ay ‘di maintindihan
Paikot-ikot ikot lang kamay ng orasan
Pwede naman na sabihin mo sa ‘kin
Na paulit-ulit bumabagabag sa damdamin mo
Bakit gan'to palagi na lang ba
Sa ‘di mo naman gusto o dahil lang sa pagnanasang nabuo
Kung kapalit ay masasaktan ka ulit
At manahimik lang sa gilid habang nakatitig
Sa mga pwede pang mangyari kung sakali
Na ‘di lang nakadepende sa mga gusto ko palagi
Kung paulit-ulit lang din ang nararamdaman
Isang sakitan na lang isang sakitan na lang
Kung paulit-ulit lang din ang nararamdaman
Isang sakitan na lang isang sakitan na lang
Dami na din pala napagdaanan kaya
Halos maubos ang luha mo sa mata
Mata mo'y magang-maga tumahan ka na
‘Wag kang magbibiro diyan sa may lubid
Habulan at sigaw paulit-ulit parang scooby doo beedo
Tara magmuni-muni dun habang nagdubidubidoo
Habang nanunuod ng love story ni Lupin Fujiko
Oh tara magtampisaw sa dagat
At mapanatag sa simoy ng hangin
Masabihan salamat palagi at nandiyan ka
Tatanggalin ang lungkot sa pisngi
Sabay tatawanan ang sakit at hindi na babalik pa
Pwedeng sandali lang muna
Pwede bang wala nang duda
Hilong damdamin ay ‘di maintindihan
Paikot-ikot ikot lang kamay ng orasan