Sa dinami-dami ng pinagdaanan
Natatawa na lang sa pagbabagong makulit
Yung dating tatlong piso na isoy dun sa may tindahan
Ngayon sampung piso na sa muli kong pagbili
Tapos yung hany ay tres na
Kasabay ng edad yung pagtaas ng bilihin sa Pilipinas
Tapos ang baba ng sahod sa ahensya
Wala na ‘kong maramdaman manhid na sa sistema
Pa’no kaya kung umiligal uli
Ipakita yung tinago kong kulit
Sa realidad na mas sutil pa sa ’kin mangulit
Papalag naman kahit na mukhang uuwing punit
‘Pag wala ‘kong malapitan, makapitan
Kaibigan na panandalian lamang
Sarili kakampi sa tuwing ika’y nasusugatan
Pagkatapos mautakan, mauto, malapastangan
Kahit ga’no ka katapang, ‘pag realidad kumalabit na
Tanggal ang kulit parang aso na kinadena
Sabayan pa ng mga balitang puro giyera
Tapos yung bigas pinakamababa sikwenta
Walong oras na bakbakan salangan
Sa walang katapusan na bukas laging palaban
Parang bayarin problema lagi sabay-sabay kaya
Daming basehan, tangina naman kakalito na
Habang yung edad dumadagdag lang at pa-tito na
Digital na ang mundo at tao parang robot na
Tapos yung mga AI at robot parang tao na
Habang eksena sa gobyerno puro kwenta
Hirap bumaking sa pukinanginang NCAP
Parang ang sarap ulit tuloy mag-bisikleta
Dun sa EDSA, kasi safe na
Dati palitan lang kalakal kilo-kilo
Ngayon ‘di ka gagana ‘pag wala ka miski singko
Agawan sa fame lahat sila sabik sa benepisyo
Naging sakim kahit sa team sira pati prinsipyo
Halos ‘di na mga bayani nasa pera
Tapos puro away sa kalsada kakatakot
Daming sabungero daw lumutang dun sa laot
Na ‘di na inabutan ng tilaok kakilabot
Sabi ang hustisya para lamang sa mayaman
At tanging pag-aaral ang sagot sa kalahatan
Pa’no kung ‘di ka tapos, ano mararanasan
Kagaya ko na kahirapan lang gustong takasan
‘Wag kang masanay na magsunog ng tulay
Baka pagbalik mo ay walang mapuntahan
Magpakatao at gawin mong natural
‘Di lahat nabibili parang respeto't pananaw kaya