Nakatingin sa ‘yong liwanag
Magkatabi ‘di mapaliwanag
Ngunit may hangganan at bitin
Eto na naman tayong dalawa
Parang mga bata na ang sarap ng tawa
Isa't isa palagi ang sandalan
Walang iba pag-ibig ang sandata
Sa sitwasyong nahihirapan na
Ikaw ang nagpapatahan sa mata
‘Kong mabunot sa aking pitaka
Pagtingin sa ‘yo ikaw aking biyaya
Na dumating sa akin nang hindi ko inasahan
Basta magkalapit ay parang nasa langit na
Ibuga mo lang sa langit habang
Nakatingin sa ‘yong liwanag
Magkatabi ‘di mapaliwanag
Kahit may araw na hindi madali
Aking pagod laging naaalis
‘Pag wala ka ay hindi madali
Mga matang nangungulila panahong malamig
Alam ko naman na hindi madali ang
Mga bagay-bagay alay buhay putol sungay
Dapat kung hindi ay ‘di mo makikita
Yung matitira na tunay lagi na patnubay
Lagi mong sundin pakiramdam tsaka yung duda
Kung takot mauuna ‘di baleng sumablay
At least merong kang makukuha
Karanasan na tulad ng pag-ibig at luha mahika sa lupa
Nakatingin sa ‘yong liwanag
Magkatabi ‘di mapaliwanag