LyricFind Logo
LyricFind Logo
Profile image icon
Lyric cover art

Kursunada

Apple Music logo
Deezer logo
Spotify logo
Lyrics
Wag mo na sanang pabitinin pa
Kung patungo lang din tayo
Sa inaasam na hangganan (hmm)

Oh-oh-oh 'wag ka nang magpakipot pa
Kitang-kita ang lapot sa mga matang
Mapanlinlang (mapanlinlang)

Tila hiwatig ay kaaya-aya
Talaga ba o nagpapahalata lang
Para ba ika'y sundan nang sundan (oh)
Hiling ko'y whoa-oh-oh

Kung mapagbibigyan
Di hahayaang masayang (oh)
Di na ako magpapaligoy-ligoy pa ('kaw ang kursunada)
Basta ikaw lang sapat na hmm-mmm

Pinapanalangin ka palaging mapasa'kin
Hihintayin ang mga pangitaing
Hinahanap-hanap mo na ang paglingap ko
Na tila hindi matutumbasan ng iba
Pagkat alam mong isang tawag mo lamang
Agad akong patungo sa 'yo sa 'yo
Makiramdam ka naman
Hiling ko'y oh

Kung mapagbibigyan
Di hahayaang masayang (oh)
Di na ako magpapaligoy-ligoy pa
Di matutulad sa mga naunang
Sinubukan oh mong pagbigyan
Susuyurin bawat daan ('kaw ang kursunada 'kaw ang aking kursunada)
Mapasaakin ka lang

WRITERS

Adrian Garcia, Franz Sacro

PUBLISHERS

Lyrics © Sentric Music

Share icon and text

Share


See A Problem With Something?

Lyrics

Other

From This Artist