LyricFind Logo
LyricFind Logo
Profile image icon
Lyric cover art

Alitaptap

Apple Music logo
Deezer logo
Spotify logo
Lyrics
Sa kahabaan ng parang
Sa gitna ng kawalan
Liwanag mo ang sandalan
Kaagapay ng buwan

Sa puso kong nalulumbay
Mistulang tala kang gumagabay
Sabik laging naghihintay
Sa palad ay dumantay

Sa tapat na pusong nauuhaw
Andap ng ilaw mo'y sapat na

Sa araw ay nababalisa
Sa himala ay nauumay na
Sawa na sa walang kwenta
Sana gabi ay nandito na

Ang iyong paglalambing
Parang anting anting
Sadyang nakakahumaling
Ang iyong simpleng pagdating

Sa araw ay nababalisa
Sa himala ay nauumay na
Sawa na sa walang kwenta
Sana gabi ay nandito na

WRITERS

Adrian Castillo

PUBLISHERS

Lyrics © O/B/O DistroKid

Share icon and text

Share


See A Problem With Something?

Lyrics

Other