Di ko alam na ikaw ang nandito
At ikaw ang tibok ng aking puso
Bakit ngayon lang nadama ito
Di ko alam nahuli ng minuto
At pag-ibig sa iba naibuhos
Dapat bang ako ay humabol sayo
Isa, dalawa, tatlo, ang yong pag-apak palayo
Apat, lima, anim, sa paningin ika'y naglaho
Nasan ka na sinta? Bat ngayon lang sininta
Ng puso kong iba ang dating nadarama
Pitong taon na ang lumipas ng ikaw ay kumaripas
Walong beses kang umamin pero biro ko'y wagas
Sa ika-siyam na oras, lahat ay nagwakas
At di umabot ng sampo dahil ika'y lumayas
Titingin nalang sa langit
Magdadasal ang puso dahil
Di ko alam na ikaw ang nandito
At ikaw ang tibok ng aking puso
Bakit ngayon lang nadama ito
Di ko alam nahuli ng minuto
At pag-ibig sa iba naibuhos
Dapat bang ako ay humabol sayo
Di ko alam kung anong gagawin ko
Tatakbo, lilipad, sana sayo ay mapadpad
Di ko alam kung anong gagawin ko
Lagi kang kasama, gabi man o umaga
Huli na ng malaman na ikaw ang gustong makasama
Almusal, tanghalian, hapunan, kasalo sa lamesa
Kwentuhan, tawanan, iyakan, yakapan, nadama
Ang tibok ng puso ko ay di sabay sa tiyempo ng
Tibok ng puso mong maaga, maganda ang intro
Bakit sa chorus na pumasok ang tibok ng puso ko
Kung san may kasabay, kung san sabay-sabay, sa pagkanta ng
Titingin nalang sa langit
Magdadasal ang puso dahil
Di ko alam na ikaw ang nandito
At ikaw ang tibok ng aking puso
Bakit ngayon lang nadama ito
Di ko alam nahuli ng minuto
At pag-ibig sa iba naibuhos
Dapat bang ako ay humabol sayo
Huli na naman, huli na naman, huli na naman
Huli na naman, huli na naman, huli na naman
Di ko alam kung anong gagawin ko
Tatakbo, lilipad, sana ay sayo mapadpad
Di ko alam kung anong gagawin ko
Di ko alam kung anong gagawin ko
Susulat ng kanta, aawit ng kanta para sayo sinta
Di ko alam kung anong gagawin ko
Isisigaw nalang ang aking nadarama
Titingin nalang sa langit
Magdadasal ang puso dahil
Di ko alam na ikaw ang nandito
At ikaw ang tibok ng aking puso
Bakit ngayon lang nadama ito
Di ko alam nahuli ng minuto
At pag-ibig sa iba naibuhos
Dapat bang ako ay humabol sayo
Huli na naman, huli na naman, huli na naman
Huli na naman, huli na naman, huli na naman
Oh. Yeah. Huli na naman ako