Salamat sa nangyari na't mga parating
Mga pahinang sa akin ay siyang nagpagaling
Mga payo ni inay na walang kahambing
Ang siyang taga-akay kung ba't may narating
Salamat Maykapal gumabay nung pumanglaw
Sa mga pagmamahal na sakin tumanglaw
Ang siyang nagpa-abante pagkatapos tumanaw
Hanggang maging dyamante pagkat di nga umayaw
Para may mailapag, biyaya sa hapag
Para makapaghanda ng pang-ambag
Sa aking mga supling na siyang pinagmulan
Lakas upang muling ituloy nasimulan
Dikit ang palad ko't nakayuko
Salamat sa naniwala na kaya ko
Di kita pagdadamutan ng pagmamahal
Dati ay bigo ako'y bilanggo
Pero dahil sa iyo ngayon narito
Di ko kayo pagdadamutan ng pagmamahal
Salamat sa nagduda, pati naniwala
Mga nakakasama't mga nawala na
Mga naging sugat at mga alaala
Mga gabing puyat at panibagong umaga
Salamat sa mga turo, kamag-anak, barkada
Mga naging guro sa eskwela't kalsada
Mga umagapay nung nangangapa pa
Kayo'y malaking bagay sa aking pag-arangkada
Para sa inyo lahat aking mga ihahaen
Mga pasasalamat na sa awit isasalin
Pag-ibig at kapayapaan ating pagyamanin
Nawa lahat palarin yan ang aking panalangin
Dikit ang palad ko't nakayuko
Salamat sa naniwala na kaya ko
Di kita pagdadamutan ng pagmamahal
Dati ay bigo ako'y bilanggo
Pero dahil sa iyo ngayon narito
Di ko kayo pagdadamutan ng pagmamahal
Dikit ang palad ko't nakayuko
Salamat sa naniwala na kaya ko
Di kita pagdadamutan ng pagmamahal
Dati ay bigo ako'y bilanggo
Pero dahil sa iyo ngayon narito
Di ko kayo pagdadamutan ng pagmamahal