Sensya na kung sangkaterba sablay
Di pa maalam kung tama paglalakbay
Naaalala pa nung madalas nakikisakay
Sa sarili tanong gang kailan makikisabay
Ngite sabay pikit, buntong hininga
Nasilip sa isip, buhay na sinisinta
Pag dilat pinilit, agad inasinta
Sa malaking dingding, dun muna pininta
Kilos kahit di handa, di nabale pano ba
Tanong lamang talaga, ba't mo ba ginagawa
Susuungin ang bagyo, di makakaila
Kung di para sa'yo, eh di para sa kanila
Di dapat isipin, sasabihin ng iba
Buhay iyong sulitin, hayaan mo sila
Pangarap mo nung bata, lagyan mo ng kulay
Hanggang panaginip, matawag mo na tunay
Dapat na malaman, sa bawat pagkakamali
Nagpapakita hindi guniguni
Kaya mo bang ilarawan, sino nakaharap sa salamin
Munting tinig, muling sundin
Medyo bihira pag hindi mahirap, wag kang iilag
Kahit pinaka matibay, minsan bibigay
Yung lumang ako, matagal nang wala
Naiwan ko yon, dun sa pagkadapa
Pagkapadayon, aking hinanda
Na yung babangon ay tiyak iba na
Triple ang husay, doon sa kahapon
Ang pagdududa'y aking naitapon
Di ko binitbit, hindi ko binaon
Di ako nakinig sa di sumang-ayon
Maraming nawala, di ko na kasama
Mga alaala ng aking mga sana
Yung mga planong hindi napagana
Siyang nagpadako sa'king pagsagana
Pangarap ko nung bata, nagkaron na ng kulay
Di nagpaawat, nagpakahusay
Sinulit nilasap, sarap mabuhay
Salamat, Bathala, Ikaw ang Siyang tunay
Dapat na malaman, sa bawat pagkakamali
Nagpapakita hindi guniguni
Kaya mo bang ilarawan, sino nakaharap sa salamin
Munting tinig, muling sundin
Medyo bihira pag hindi mahirap, wag kang iilag
Kahit pinaka matibay, minsan bibigay