Araw-araw ay may kagandahan na pinapangarap ang mundo
Bawat ibon ay handang umawit bawat tao'y handang magbago
Sa aking tahanan ay iyong asahan ang pag-asang alay sa iyo
Sa munti kong paraan aking sisimulan ako ang sagot sa mundo
Araw-araw may kapayapaang bumabalot sa ating puso
Ang hinahangad na kayamanan ay dalangin kong paraiso
Sa aking tahanan ay may kasagutan katuparang alay sa iyo
Sa munti kong paraan aking sisimulan ako ang sagot sa mundo
Bumangon na (bumangon na)
Pagkat ikaw ay ako at ako ay tayo
Ang tanging hakbang nagsisimula sa ako
Na na na na (na na na na)
Gumising na (na na na na)
Bumangon na (na na na na)
Tumungo sa pagbabago (na na na na)
Gumising na (na na na na)
Ako ang sagot sa mundo (na na na na)
Gumising na (na na na na)
Bumangon na (na na na na)
Tumungo sa pagbabago (na na na na)
Gumising na (na na na na)