LyricFind Logo
LyricFind Logo
Profile image icon
Lyric cover art

Walakasatabi

Apple Music logo
Deezer logo
Spotify logo
Lyrics
Sige ako na ang aamin
Kahit ‘di ko naman talaga yun kasalanan
‘Wag mo lang akong ituring dito na kalaban
Mahirap kasi sa ’tin ‘di natin namamalayan
Na malapit na pala maputol ang ating ugnayan

Laban, ‘yoko kasi manghinayang
Halos ‘di kumikibo tamang iwas na lamang
Gusto mo ng pagtatalo imbis pag-usapan
Ganyan tayo kadalasan dahil ‘yoko lang masayang

Sayang, sayang ang pinagsamahan
Pati na rin yung nabuo nating pagmamahalan
Kaya nalilito minsan ako may alinlangan
Kalimitan kaso nga lang

‘Pag wala ka sa tabi (‘pag wala ka sa tabi)
Hanap-hanap sa gabi (hanap-hanap sa gabi)
Sabik sa bawat sandali (sabik sa bawat sandali)
Tila malabong magwagi sa pag-ibig na mali

Kapag wala ka sa tabi (kapag wala ka sa tabi)
Ang lahat ay ‘di madali (ang lahat ay ‘di madali)
Bakit ang hirap masawi (bakit ang hirap masawi)
Tila malabong magwagi sa pag-ibig na mali

Yeah ‘pag wala ka sa tabi laging ‘di mapakali
Magdamag nating kwentuhan ang sa ’kin nagpasabik
Sa kama o sa sala kahit sa’n pa maglapit
Alam patutunguhan ‘pag ikaw na humalik

Oh hindi ko tatangging gusto pa umisa
Kita ko sa mata mo kulang yung dalawa
Kaya andito ako may amat o wala
‘Di ko kakayanin ‘pag ikaw pa nawala

Ang kaso ‘lang tiwala sa ’kin
Mahal mo ba ako
Oh hindi ko rin maamin
Inang pag-ibig ‘yan kailan ba papalarin
Walang ibang hiling gusto lang mapasa’kin
Ang ‘yong kamay kasi

‘Pag wala ka sa tabi (‘pag wala ka sa tabi)
Hanap-hanap sa gabi (hanap-hanap sa gabi)
Sabik sa bawat sandal (sabik sa bawat sandal)
Tila malabong magwagi sa pag-ibig na mali

Kapag wala ka sa tabi (kapag wala, kapag wala)
Ang lahat ay ‘di madali (ohhh, ahhh)
Bakit ang hirap masawi
Tila malabong magwagi sa pag-ibig na mali

‘Pag wala ka sa tabi
Hanap-hanap sa gabi
Sabik sa bawat sandali
Tila malabong magwagi sa pag-ibig na mali

Kapag wala ka sa tabi
Ang lahat ay ‘di madali
Bakit ang hirap masawi
Tila malabong magwagi sa pag-ibig na mali

WRITERS

Earl Kiervy Magallanes, Kyle Pasion, Archie Malate

PUBLISHERS

Lyrics © Sentric Music

Share icon and text

Share


See A Problem With Something?

Lyrics

Other