Ilang kilometro ang aking nilakad
Napakadaming nagbago ‘di mahanap
Aking kinalakihan (nalulumbay)
Darating kayang muli (darating kaya)
Sana ‘di pa 'to ang huli nating pagkikita
Naaalala ko ang larawan mo sa tuwing
Aking binabalikan ang iyong mga ngiting
Sana'y ‘di na palitan (sana'y ‘di na palitan)
Kung pwede lang bumalik (sana'y ‘di na palitan)
Kung pwede lang bumalik ang ‘yong ganda
Tulala nawala ang dati nating sigla
Naaalalang malaya (malaya)
Ngayon bilang ko na lang ang kaya na abutin
At tila ‘di na ‘ko ang kaharap sa salamin
Naaalala ko ang larawan mo sa tuwing
Aking binabalikan ang iyong mga ngiting
Sana'y ‘di na palitan (sana'y ‘di na palitan)
Kung pwede lang bumalik (sana'y ‘di na palitan)
Kung pwede lang bumalik ang ‘yong ganda
Palagi kong iniisip ang kagandahan mo (ang kagandahan mo)
Kahit na minsan lang din tayo nagkatagpo
Parang hindi na ‘to ang dating ikaw
Pagkabalik ko ang pagkasabik ko'y
Nawala napalitan nung ‘di ka na lumitaw
Onting sandali na napagmasdan
Kaagad na ‘kong naniwala sa walang hanggan
Kung sana narinig nilang nasaktan ka
‘Di na mangyayari pa na magkakaganyan
Yung oras ang bilis pala ng takbo
Kaya pala ngayon ko lang napagtanto
Tanging ang dala ko na lamang ay larawan mo
Naaalala ko ang larawan mo sa tuwing
Aking binabalikan ang iyong mga ngiting
Sana'y ‘di na palitan (sana'y ‘di na palitan)
Kung pwede lang bumalik (sana'y ‘di na palitan)
Kung pwede lang bumalik ang ‘yong ganda
Nakakamiss bumalik sa dati
Na mahirap pa siyang tanggalin
Naaalala ko ang larawan mo sa tuwing
Aking binabalikan ang iyong mga ngiting
Sana'y ‘di na palitan (sana'y ‘di na palitan)
Kung pwede lang bumalik (sana'y ‘di na palitan)
Kung pwede lang bumalik ang ‘yong ganda
WRITERS
Angelo Luigi Timog, Rocel Dela Fuente, Clien Kennedy Alcazar, Jomuel John Casem, In Bloom