Basta ikaw ang aking makasama
Handa 'kong ibigay lahat akong bahala
Ipapangako mo lang sa akin
Ang pagtanim ng iyong galit
Baby kasi naman hindi ko na alam
Matapos kang bigyan bukas magtatampo ka na naman
Kaya 'wag sanang maulit 'yang pagsimangot mo sa 'kin
Hindi 'yan bagay sa atin pag-usapan na lang natin
Hindi naman sa ako'y nagsasawa
Lalayo nang wala lang sana'y iyong unawaan
Ayoko lang tayo mahirapan
Puso ay masugatan tumagal tayo sana
'Di ba ikaw din ang nagsabing
Kung pwede naman nating pag-usapan na lang
Patuloy lamang tayong magkakalabuan
Pareho lang din natin ayaw 'yan
'Di natin maiwasang magkatampuhan sa
Mga maliit na bagay away kaagad 'pag pinahaba pa
Parang kanina lang ay nag-uusap
'Di ko mahagilap kung bakit para bang napakahirap
Alam ko na kung sa'n pupunta
Pareho lang naman nating ayaw mawala ang isa't-isa
Masyado lang tayo sigurong
Nagpapaapekto kaya 'pag nadadala
Ay 'di natin mapigilan ang galit kaya 'pag nagtalo sarado palagi ang isip
Hey 'wag kang magalit baby lika na
Hey lambing mo lang sa 'kin ay ayos na
Hey mag-away 'di ko magagawa
Ang iwan ka na lang nang mag-isa basta
'Di ba ikaw din ang nagsabing
Kung pwede naman nating pag-usapan na lang
Patuloy lamang tayong magkakalabuan
Pareho lang din natin ayaw 'yan
Tuwing tayo'y nagtatalo ay 'di malaman
Kung pa'no ba nagsimula ang pinag-awayan
Mga bagay na 'di natin inaasahan
Na dumating sapagkat tayo ay nagmamahalan
Ikaw lamang ang sa 'kin pinagtagpo
Hindi na 'ko maghahanap pa ng iba
Sana 'wag mo nang pag-isipan pa ako ng masama
Dahil alam mo namang ika'y wala nang katapat
'Di ka pwedeng kumpara ibang klase ka sa lahat
Kung pa'no kita nakilala sana ay hindi magbago
Totoo ako sa 'yo pangakong hindi maglalaho yuh
'Di ba ikaw din ang nagsabing
Kung pwede naman nating pag-usapan na lang
Patuloy lamang tayong magkakalabuan
Pareho lang din natin ayaw 'yan
Dalawang mundo'y nagtagpo
Kung pwede ko lang ibalik ang lahat ng mga binitawan ko
Para lang gumaan ang puso't mawala ang pagtatampo
Sana ikaw na lang ang makasama
Makausap makayakap hanggang umaga
'Di na 'ko umaasa na lalala pa
Tayo lang magsasama gabi hanggang umaga
Ang pinakamagandaang dalaga
Kamay mo lang gustong mahawakan
Bigyan mo naman ng tsansa kasi nga
'Di ba ikaw din ang nagsabing
Kung pwede naman nating pag-usapan na lang
Patuloy lamang tayong magkakalabuan
Pareho lang din natin ayaw 'yan
Kasi paulit-ulit na tayong nagtatampuhan
Alam mo bang hirap na hirap ako
Lalo kapag sinusungitan mo
At sana 'wag mong ipagpalit
Kasi kahit na paulit-ulit kang masungit sa 'kin
'Di ba ikaw din ang nagsabing
Kung pwede naman nating pag-usapan na lang
Patuloy lamang tayong magkakalabuan
Pareho lang din natin ayaw 'yan