Taon na pala ang lumipas?
Ramdam ko pa rin ang hampas
Ng katotohan ng ating wakas
Ba't parang ako lang nagkasugat?
Ba't parang ako lang ang nasira
Kung sa'n tayo huling nagtagpo
Hanggang kailan gan'to? (hanggang kailan gan'to?)
Ang puso ko'y sa 'yo pa rin
Kahit na wala kana sa aking piling
Hindi ba hihinto? (hindi ba hihinto?)
Sa paglingon at pagmuni-muni
Sa aking puso't isip na di ka makakapiling muli
Na tahanan ng ating pagmamahalan
Wala namang pinanghahawakan
Ngunit hindi naman din makabitaw
Kung sa'n tayo huling nagtagpo
Hanggang kailan gan'to? (hanggang kailan gan'to?)
Ang puso ko'y sa 'yo pa rin
Kahit na wala kana sa aking piling
Hindi ba hihinto? (hindi ba hihinto?)
Sa paglingon at pagmuni-muni
Sa aking puso't isip na di ka makakapiling
Kung 'di ikaw ay 'wag na lang
Kung 'di ikaw ay 'wag na lang
Kung 'di ikaw ay 'wag na lang
Kung 'di ikaw ay 'wag na lang
Hanggang kailan gan'to? (hanggang kailan gan'to?)
Ang puso ko'y sa 'yo pa rin
Kahit na wala kana sa aking piling
Hindi ba hihinto? (hindi ba hihinto?)
Sa paglingon at pagmuni-muni
Sa aking puso't isip na di ka makakapiling muli