Sasanayin na lang ang sarili
Na sarilihin na lang ang lahat
‘Yan ang pangako mo sa sarili
Ngunit kasama mo na ko sa lahat
Huwag mong isiping ika'y mag-isa
Ang bawat pabigat sa‘yong puso
Ay unti-unti nating bitawan
Huwag kang mag-alinlangan, giliw
Ang mga bumabahala sa‘yong isip
Kailanman ay hindi ka abala
Ikwento mo ang bumabagabag
Sumandal ka lang sa aking balikat
Buong gabi kitang pakikinggan (oh)
Huwag kang mag-alinlangan, giliw
Ang mga bumabahala sa‘yong isip
Araw-araw kong ipaparinig
Na hinding-hindi ka pasanin
‘Wag ka nang magdadalawang isip
Nandito ako para sa‘yo, hmm
Nandito ako para sa‘yo, hmm
Huwag kang mag-alinlangan, giliw