Sa buhay daming pagkakamali
Nais kong humingi ng tawad
Mga kahapo'y ‘di mababalik
Mga tinik sa puso nati'y pumunit
Lahat naman ay nagkakamali
Mahalaga kung paano ka babawi
Kahit na mailap pilit pa ring aabutin
Iisang pangarap ating tinatahak
Mahirap man tuloy tuloy tuloy
Pait ng nakaraan ating limutin
Alalahanin kung gaano natin
Na mailap sabay nating aabutin
Iisang pangarap na tinatahak
Magkasama tayo sa iisang pangarap