LyricFind Logo
LyricFind Logo
Profile image icon
Lyric cover art

Dahil Mahal Kita

Apple Music logo
Deezer logo
Spotify logo
Lyrics
Pagkakaibigan
Diyan natin sinimulan ang istorya nating dalawa (ah)
Maghapong kulitan
Lumipas ang oras at araw na kasama ka (ah)
'Di ko namalayang sa bawat sulyap sa 'yong mata'y kakaiba (oh)
'Di ko napigilan ang sariling mahulog sa 'yo (oh)

Pero kahit gusto kita
Nag-aalinlangan ang puso kong ito
Itutuloy ba
Aatras ba
O baka masaktan lamang ang puso ko sinta
At kahit gusto kita walang lakas ng loob
'Wag na lang muna

Pinilit itago
Ang aking nararamdaman para sa 'yo (oh)
Ngunit parang nagbago
Ang ihip ng hangin at parang gusto mo rin ako (oh)
Hinawakan ang kamay
Laging magkaakbay sa tuwing tayo'y magkasama
Ngiti mo'y walang sablay
Sana'y ikaw na nga
Sana'y ito na ang pagkakataon ko

At dahil mahal kita
Handa akong ibigay lahat ng nais mo
Lalanguyin liliparin
Walang imposible basta't para lang sa 'yo sinta
At dahil mahal kita ako'y susugal na
Ohh

Bakit kung kelan buo na ang lakas ng loob
Saka hindi ayon ang mundo
Kung kelan mahal na kita
Saka ka nagmahal ng iba

May tanong ako sa 'yo pwede ba
Bakit pinaramdam kung wala naman talaga
Pwede bang sabihin na lang
Bakit pinaramdam kung hanggang kaibigan lang

At dahil mahal kita
Handa akong ibigay lahat ng nais mo
Kahit nasasaktan ako
Iindahin titiisin
'Wag ka lang mawala sa aking piling sinta

At dahil mahal kita
Do'n ako kung sa'n ka sasaya (woh)
Kung sa'n ka man sasaya
Kahit sa piling man ng iba

PUBLISHERS

Lyrics © Sentric Music

Share icon and text

Share


See A Problem With Something?

Lyrics

Other