LyricFind Logo
LyricFind Logo
Profile image icon
Lyric cover art

Hiwaga

Apple Music logo
Deezer logo
Spotify logo
Lyrics
Parang kahapon lang
Nang masilayan ko ang 'yong hiwaga
Parang kahapon lang
Pinapangarap lang na makasama ka
Na maging akin ka
O kay bilis ng panahon ngayo'y akin ka na
Kaya't nangangako sa'yo aking mahal

Lumipas man ang araw at gabi
Ay tangan kang lagi sa 'king tabi
Magbago man ang takbo ng mundo'y mananatili sa'yo
Hiwaga mo ay tangan ko
Hanggang sa dulo ng mundo

Tila isang himala
Tayo'y pinagtagpo at itinadhana
Laman ng bawat kong dasal
Na sana'y ikaw na nga habangbuhay aking makasama
Wala nang hahanapin pa
Dasal ko ay dininig na

Lumipas man ang araw at gabi
Ay tangan kang lagi sa 'king tabi
Magbago man ang takbo ng mundo'y mananatili sa 'yo
Hiwaga mo ay tangan ko
Hanggang sa dulo ng mundo
Oh

Lagi mo lang tatandaan nandito lang ako
Handang ibigay kahit pa buong buhay ko
Para sa 'yo lahat ay handang isugal
Pasensya ka na gano'n lng kita kamahal

Magbago man ang takbo ng mundo'y mananatili sa'yo
Hiwaga mo'y ay tangan ko (hiwaga mo)
Hiwaga mo itangan ko
Hanggang sa dulo ng mundo

WRITERS

Angelo Garcia, Jaworski Garcia, Robert Javier

PUBLISHERS

Lyrics © Sentric Music

Share icon and text

Share


See A Problem With Something?

Lyrics

Other