Oh kay bilis tibok ng aking puso
Kahit nanginginig ang tuhod ay nais kang isayaw
Sana ay mapagbigyan sinta
Ang 'yong ganda ang tanging nagliliwanag
Habang papalapit sa'yo oh giliw kong marikit
'Di ko mapigilan ang kilig
Hawakan mo ang aking kamay
Na maisayaw ang pinakamagandang nilalang sa silid
Tila bituing nagniningning
Isantabi ang pangamba na tila tayo lang dal'wa
Pag ibig ko'y iyong madarama
Tila panaginip sa unang tingin
Kung panaginip ma'y ayokong magising
Aking susulitin ang bawat segundo
Minuto at oras ng pagindak nating dalawa
'Di na hanggang panaginip lang
Maaari bang totoohanin 'to oh
Hawakan mo ang aking kamay
Na maisayaw ang pinakamagandang nilalang sa silid
Tila bituing nagniningning
Isantabi ang pangamba na tila tayo lang dal'wa
Pag ibig ko'y iyong madarama (oh)
'Di na baleng parehas na kaliwa
Ang mga paang nais umindak na kasama ka
At kahit pa hihimigin lamang ang musika ay 'di titigil
Hanggang madama mo ang pag ibig ko sinta
Hawakan mo ang aking kamay (oh)
'Di na 'ko makapaghintay (makapaghintay)
Na maisayaw ang pinakamagandang nilalang sa silid (ikaw lang)
Tila bituing nagniningning
Isantabi ang pangamba na tila tayo lang dal'wa (aking sinta)
Sisimulan ang storya nating dalawa