LyricFind Logo
LyricFind Logo
Profile image icon
Lyric cover art

Mamahalin - Live At The Cozy Cove (Live)

Apple Music logo
Deezer logo
Spotify logo
Lyrics
Ikaw lamang ang aking mamahalin

Ahh ahhh

Binibilang ang oras
Sinusukat ang layo
Umaasa ang pusong
Mahagkan ka muli

Pinaglayong mga puso
Sinusukat ng panahon
Aking unang pag ibig
Pinili hanggang ngayon

'Di man nahahagkan
'Di man nasisilayan
Pipiliin ka ng puso ko kailanman

Araw araw kitang mamahalin
Araw araw kitang pipiliin
Malayo man ang agwat
Pagitan ma'y ere o dagat
Ikaw lamang ang aking mamahalin

Lagi kang iniisip
Hanggang sa panaginip
Aking puso ay naiinip
Ng makasama ka't makita kang muli

'Di man nahahagkan
'Di man nasisilayan
Pipiliin ka ng puso ko kailanman ooh

Araw araw kitang mamahalin
Araw araw kitang pipiliin
Malayo man ang agwat
Pagitan ma'y ere o dagat
Ikaw lamang ang aking mamahalin

Ooh hoo

Ramdam ba ang init ng pagmamahal
Hanggang sa kalawakan
Oras ay 'di alintana
Walang makakapigil pa
Ikaw lang at walang iba

Ewan ko ba
Basta mahal kita

Habang buhay ooh
Ikaw lang ang mamahalin
Habang buhay kitang pipiliin
Malayo man ang agwat
Hamakin ang lahat hoo
Ikaw lamang ang aking
Mamahalin

PUBLISHERS

Lyrics © Sentric Music

Share icon and text

Share


See A Problem With Something?

Lyrics

Other