LyricFind Logo
LyricFind Logo
Profile image icon
Lyric cover art

Buo

Apple Music logo
Deezer logo
Spotify logo
Lyrics
Oo ang dami kong pagkakamali bilang tao
Minsan napapaisip kung bakit ako ganito
Sa mundong palaging naghahanap ng perpekto
Ako'y hindi kumpleto ooh

Kaya noong ika'y biglang dumating mundo ay nagbago
Ang lahat ng bigat na dinadala ay naglaho
Napapangiti na lang sa tuwing naiisip ka
Napapatanong

Kung bakit ako ang pinipiling makasama
Pinapatawad at tanggap
Kung bakit ako'y minamahal mo nang tunay
Pinipili tanggap mahal mo akong buo

Oh oh oh

Oo ang dami mong pagkakamali bilang tao
Pero hindi ko kailangan ng perpekto
'Pagkat pareho lang tayo basta't nandiyan ka lang
Hindi na magtatanong pa

Kung bakit ikaw ang pinipiling makasama
Pinapatawad at tanggap
Kung bakit ika'y minamahal ko nang tunay
Pinipili tanggap mahal kitang buo

Woah oh oh ooh
Ooh ooh-oh woah

Ikaw ang tanging pinipiling makasama
Pinapatawad at tanggap
Ikaw ang ang tanging mamahalin ko nang tunay
Pinipili tanggap mahal kitang buo

WRITERS

TRISHA DENISE CAMPANER

PUBLISHERS

Lyrics © Warner Chappell Music, Inc.

Share icon and text

Share


See A Problem With Something?

Lyrics

Other