LyricFind Logo
LyricFind Logo
Profile image icon
Lyric cover art

Regalo Ng Pasko

Apple Music logo
Deezer logo
Spotify logo
Lyrics
Sa gilid ng gabing tahimik
May lamig na sa 'tin yumayakap
Bawat ngiti mo'y may pag-ibig
Puso ko'y muling nagliliwanag

Kahit saan man tayo dinala
Pag-ibig ang ilaw na kay ganda
At kung sa puso mo ako'y panatag
Pasko ay buhay kahit na anong hirap

Kapayapaan ang siyang kailangan
Pagmamahal ating ipagdiriwang
Sa bawat puso, sana'y maramdaman
Ang init ng pag-ibig ngayong Pasko't habang-buhay man
Pagmamahal ang regalo ng Pasko

Sa bawat tahanang nagliliwanag
May pag-asa sa bawat yakap
Limutin natin ang hapdi ng kahapon
Pag-ibig na siyang magpapatibay ngayon

Pag kabutihan ang pinili
Nagiging himig ang bawat sandali
At ang Pasko'y higit na mag niningning
Pag puso natin handang mahalin

Kapayapaan ang siyang kailangan
Pagmamahal ating ipagdiriwang
Sa bawat puso, sana'y maramdaman
Ang init ng pag-ibig ngayong Pasko't habang-buhay man
Pagmamahal ang regalo ng Pasko

Ooh, sana'y dumampi
Sa bawat damdamin, liwanag na 'di maglalaho
Ooh, pag-ibig ang gabay
Pasko'y tunay kapag tayo'y nagkaisa

Kapayapaan sa puso'y mananatili
Pagmamahal sa puso'y patuloy aawit
Sa bawat tao, sana'y maramdaman
Na Pasko ay pag-ibig, habang-buhay mararamdaman

Kapayapaan ang regalo ng pasko
Pagmamahal Natin ipagdiriwang
Sa bawat puso, sana'y maramdaman
Ang init ng pag-ibig, ngayong pasko't buhay man
Pagmamahal ang regalo ng Pasko

WRITERS

Otek Lopez

PUBLISHERS

Lyrics © O/B/O DistroKid

Share icon and text

Share


See A Problem With Something?

Lyrics

Other

LyricIQ Analysis

Top Emotion

Enjoyment

Sentiment
Thumbsup IconThumbsup IconThumbsup Icon
Theme

None