Tila parang ang layo ng mga tingin
Araw-araw akong tumatakbo
Mga bubog sa'king paa'y tumutusok
Hinahanap pa rin ang tamang sagot
Kung para saan ba ako bumabangon
Dahil unti-unting nawawala
Sindi nitong apoy sa'king puso
Kapag pinipilit kong maging masaya
Naliligaw ako, anong nagawa?
Lunurin mo na ako nang 'di makahinga
Dahil minsan ayoko na rin mabuhay
Kung paulit-ulit kang namamatay
Nandito pa rin ako, hindi makaalis
Dapat bang isuko ang mga hiling?
Kung paulit-ulit kang nakagapos
At para kang tangang nililibing?
Ilang beses dapat paslangin?
Dahil unti-unting nawawala
Sindi nitong apoy sa'king puso
Kapag pinipilit kong maging masaya
Naliligaw ako, anong nagawa?
Lunurin mo na ako nang 'di makahinga
Dahil minsan ayoko na ring mabuhay
Kung paulit-ulit kang mamamatay
Dahil unti-unting nawawala
Sindi nitong apoy sa'king puso
Kahit abo na lang ang matira
Sa akin ay hindi matatapo