LyricFind Logo
LyricFind Logo
Profile image icon
Lyric cover art

Himagsikan

Apple Music logo
Deezer logo
Spotify logo
Lyrics
Woah

Lupa kong sinilangan
Bakas ang dugo sa ilalim
Ng 'yong lalakaran
Inalay ng tunay para sa kalayaan

'Di masasayang ang mga nasawi
Kung kalat ng kasaysayan ng mga nagwagi
Ingatan ang yaman at ipagmalaki
Matibay nating kultura ang magiging sukli

Luha ng nakaraan
Bayaning nalimutan
Inalay ang buhay sa kalayaan

Diwa ko ay buksan
O Diyos ko ako'y ingatan
Tanikala'y puputulin
Ang digmaa'y wawakasan
Hawak ko sa aking kamay
Ang pag-asang inaasam
Mula sa himagsikan ng puso at isipan

Check oh yoh
May natitira pa ba
Kung ganun ako ay sasalakay pa
Kahit wala ng kadamay at nag-iisa
'Di na mangangamba o mangangapa
Sisindihan ko na ang mitsa ng bomba
Hala sige dumapa ka
Humana
Pwedeng tumakbo pero mag-ingat dahil baka madapa ka
Magagayak ka sa beat
Bawat sambit ko'y para kang kinulata yeah

Diwa ko ay buksan
O Diyos ko ako'y ingatan
Tanikala'y puputulin
Ang digmaa'y wawakasan
Hawak ko sa aking kamay
Ang pag-asang inaasam
Mula sa himagsikan ng puso at isipan

Muling balikan
Himagsikan ah aha
Walang boses ang batas
'Pag sumigaw ang himagsikan
Kahit sugat ay bakas
Mapupuruhan ang kalaban

Walang boses ang batas
'Pag sumigaw ang himagsikan
Kahit sugat ay bakas
Mapupuruhan ang kalaban

'Di masasayang ang mga nasawi
Kung kalat ng kasaysayan ng mga nagwagi
Ingatan ang yaman at ipagmalaki
Matibay nating kultura ang magiging sukli yeah

'Di masasayang ang mga nasawi (muling balikan)
Kung kalat ng kasaysayan ng mga nagwagi (himagsikan)
Ingatan ang yaman at ipagmalaki (muling balikan)
Matibay nating kultura ang magiging sukli (himagsik)

WRITERS

Chester Lalinjaman Romo, Anthony Jay Andrada, Raven Willan Lark N. Columna, Jeck Choi

PUBLISHERS

Lyrics © Downtown Music Publishing, JN MEDIA MUSIC PUBLISHING

Share icon and text

Share


See A Problem With Something?

Lyrics

Other