LyricFind Logo
LyricFind Logo
Profile image icon
Lyric cover art

Padayon

Apple Music logo
Deezer logo
Spotify logo
Lyrics
Minsan kapag nagsisimula ka pa lang
Marami kang maririnig
Maraming beses ka ding madadapa
Pero ang pinaka importante ikaw ay ituloy mo lang

'Wag kang maniwala sa negatibong sinasabe
Resulta'y ipakita imahe ng 'yong diskarte
Gano mang ka-grabe ang pait
Saksi ang langit sa pag-tiis

Tuloy lang
Tuloy mo lang
Tuloy tuloy tuloy mo lang
Tuloy tuloy mo lang
Tuloy tuloy tuloy mo lang
Tuloy tuloy mo lang

Yeah

Nagsimula ako sa maliit na kitaan
Nanghiram lang ng puhunan kaya aking pinatulan
Pero di ko tinigilan parang batang makulit lang
Hindi ko na pinakinggan kahit ako'y masabihang

Mali ka ng landas na napili mong lakaran
Kwento ng pangarap ko'y malabong di mapagdudahan
Madalas mang maubusan luging di na matawaran
Ganun pa ma'y pinilit sa sariling wag mapanghinaan

Naalala ko non nung kalaban ko pa
Init ng araw buhos ng ulan basang paninda
Pinasalamat ko yun sa dakilang ama
Sa pagbigay ng lakas kaya hindi ko ininda

Dahil sa bagal ng proseso aking nakabisado
Ang pasikot sikot kaya di takot na matalo
Naka handa to hindi mauubosan plano
Kasing dami ng butil ng pawis na itinaya ko

'Wag kang maniwala sa negatibong sinasabe
Resulta'y ipakita imahe ng 'yong diskarte
Gano mang ka-grabe ang pait
Saksi ang langit sa pag-tiis

Tuloy lang
Tuloy mo lang
Tuloy tuloy tuloy mo lang
Tuloy tuloy mo lang
Tuloy tuloy tuloy mo lang
Tuloy tuloy mo lang

Sa daming beses na nadapa nasanay sa pag-bangon
Gawa wag puro lang dada bitbit ko sa maghapon
May baon na pangakong balang araw ay aahon
Sa pamilya na handa kong harapin ano mang hamon

Salamat po pa sa pagiging gabay
At patnubay ko sa buhay para di sumablay
Sa magulo kong isip nadyan ka na umalalay
Ang hangarin mo lagi ako ay magtagumpay

Salamat ma sa pagmamahal nagsilbing ilaw
Kung sakaling yung dilim ay mas magtagal
Sa daanan kong tinahak di ako napahamak
Suporta mo na busilak nagtulak sa'king magsikap

Kahit mahirap ang proseso basta magkasama tayo
Ano mang pagsubok ay imposible nang matalo
Nakahanda to at marami pang plano
Kasing dami ng butil ng pawis na itinaya ko

Kung pagod ka na humingang malakas
Walang hindi mo kaya tumingala pataas
Lagi mong piliting abutin ang pinaka
Mataas na antas ng sarili mo

'Wag kang maniwala sa negatibong sinasabe
Resulta'y ipakita imahe ng 'yong diskarte
Gano mang ka-grabe ang pait
Saksi ang langit sa pag-tiis

Tuloy lang
Tuloy mo lang
Tuloy tuloy tuloy mo lang
Tuloy tuloy mo lang
Tuloy tuloy tuloy mo lang
Tuloy tuloy mo lang
Magbubunga din yan

WRITERS

Awi Columna

PUBLISHERS

Lyrics © O/B/O DistroKid

Share icon and text

Share


See A Problem With Something?

Lyrics

Other