LyricFind Logo
LyricFind Logo
Profile image icon
Lyric cover art

Tampuhan

Apple Music logo
Deezer logo
Spotify logo
Lyrics
Kahit puro away maliliit na bagay
Titiisin kahit anong inis
Kahit parang nanay dyan ako nasanay
Lilipas lang din naman ang init

Ang importante ay kasama ka
Maganda ka naman kahit galit
Maya-maya ay tatawa na
Tampo'y mabubura lang ng isang halik

Ang problema natin minsan ay mapanlinlang
'Di maririnig kung di mo to papakinggan
Away na abot sa basagan ng mga pinggan
Pero pagbati di makabasag pinggan (ha ha ha ha ha)

Kaya pagtatawanan nalang natin yan sa huli
Kasi pagmamahal na naman ang panalo muli
'Di makukulong sa pagtatalo na matindi
Dahil ang gamit nating susi ay ang pag-intindi

Kulitan asarang mauuwi sa tampuhan
Minsan nakatulugan bukas nalang magpansinan
Palitan ng sigawan parang boksing na sagad
Pero di porke nag-away tayo ay toxic na agad

Kahit puro away maliliit na bagay
Titiisin kahit anong inis
Kahit parang nanay dyan ako nasanay
Lilipas lang din naman ang init

Ang importante ay kasama ka
Maganda ka naman kahit galit
Maya-maya ay tatawa na
Tampo'y mabubura lang ng isang halik

Ang sikreto lang daw ng relasyon para ito'y humaba
Dapat si kumander lang daw lagi ang gawin mong tama
Kahit ang lakas ng tama kesa naman sayo tumama
Yung galit at sungit na biglang uminit at may toyo pang kasama

Pero kung minsa'y pumatol parin paumanhin pipiliting tiisin
'Di ko rin napapansin tao lang din nagiging mainisin
Pero natatauhan pag nababatukan na ng pusong
Nangangamuhan at ikaw lamang ang natatangi kong gusto

Kahit puro away maliliit na bagay
Titiisin kahit anong inis
Kahit parang nanay dyan ako nasanay
Lilipas lang din naman ang init

Ang importante ay kasama ka
Maganda ka naman kahit galit
Maya-maya ay tatawa na
Tampo'y mabubura lang ng isang halik

Galit ni misis na parang thesis
Mahirap yan matapos
Mahirap yan matapos
Mahirap yan mahirap yan

Galit ni misis na parang thesis
Mahirap yan matapos
Same twist lambingan-krisis
Di maka-score
Kahit man lang isang kiss
Bati na kasi tayo miss please

Kasi hindi ko matiis

Pare pare uwi na ako galit na si misis
O pre ako din wag na nating tapusin to

WRITERS

Awi Columna

PUBLISHERS

Lyrics © O/B/O DistroKid

Share icon and text

Share


See A Problem With Something?

Lyrics

Other