Sa paglipas ng taon unti-unting nawawalan na
Nang pag-asa kung may darating na taong para sa akin
Hindi ko na mawarin kung ako ang dahilan o
Kung may dapat bang sisihin sa aking pag-iisa
Nangungulila, sa yakap at lambing
Nais ko lamang muling maramdaman a
Hindi ko masisi ang tadhana kung bakit
Hanggang ngayo'y wala paring dumarating
Nakakapagod nang tumaya't umasa
Sa taong 'di naman para sa akin
Ang sabi ay hindi raw mahirap
Ang magmahal at ang mahalin
Kung ganoon naman pala'y nasaan
Ang akin na kay tagal ko ng hinihiling?
Ang nais ko lamang ay ang magmahal at mahalin
Matutulog na lasing upang hindi na
Maglakbay sa kung saan-saan ang aking isipan
Pero 'di maintindihan, ako ay masaya naman
Tuwing umaga at hapon kahit wala pang nilamon
Pagsapit ng gabi biglang nangungulila
At masabi kong sa akin ngunit nasaan?
Hindi ko masisi ang tadhana kung bakit
Hanggang ngayo'y wala paring dumarating
Nakakapagod nang tumaya't umasa
Sa taong 'di naman para sa akin
Ang sabi ay hindi raw mahirap
Ang magmahal at ang mahalin
Kung ganoon naman pala'y nasaan
Ang akin na kay tagal ko ng hinihiling?
Ang nais ko lamang ay ang magmahal at
Ang tanging hiling ko lamang ay ang unawain
Tipong di agad bibitaw at mag bago ang isip
Ito na ang huling hiling sa mga tala
Ipauubaya ko na sa tadhana
Nakakapagod nang tumaya't umasa
Sa taong 'di naman para sa akin
Ang sabi ay hindi raw mahirap
Ang magmahal at ang mahalin
Kung ganoon naman pala'y nasaan ang akin?
Sa paglipas ng taon unti-unting natatanggap na
Kung may darating man sa 'kin, alam ko ay para sa akin.