LyricFind Logo
LyricFind Logo
Profile image icon
Lyric cover art

Una Kitang Mahal

Apple Music logo
Deezer logo
Spotify logo
Lyrics
Ang balisang panaginip ko'y
Tila bagyong di mapakali
Mga hinaing tulad ng kulog
Sadyang kay bigat sa loob

Bakit ganito bakit ganun
Bakit ganito bakit ang sakit
Bakit makirot bakit mahapdi
Bawat tanong ay parang anino sa gabi

Sa isang sandali'y isang bulong
Ang nagpanatag sa unos
Malumanay ngunit matatag
Nanunuot at nag aalab at

Tandaan mo una kitang minahal
Bago ang liwanag at tubig ng buhay
Bago mo nalaman kung gaano kalawak
Ang aking pag ibig pinili na kita at minahal ng labis

Nagmamaktol ako bumubulong bulong
Nawawala sa sarili tuliro ang isip at di mapakali

Ang bawa't dasal ay walang sagot
Bakit ang tahimik bakit ang tagal
Bakit ngayo'y may takot
Ngunit aking narinig malamyos nyang tinig
Dumadaloy itong parang banayad na batis
Pinatahimik ang mabalisa kong panaginip ohhhh

Tandaan mo una kitang minahal
Bago ang bituin at araw
Bago ang langit at lupa bago ka isilang
Bago ka magdasal bago ka humiingi ng tawad
Ay mahal na kita at patuloy na mamahalin
Sapagkat una kitang minahal

Una kitang minahal

WRITERS

Arlene Pinpin

PUBLISHERS

Lyrics © O/B/O DistroKid

Share icon and text

Share


See A Problem With Something?

Lyrics

Other

LyricIQ Analysis

Top Emotion

Sadness

Sentiment
Thumbsup Icon
Theme

None