LyricFind Logo
LyricFind Logo
Profile image icon
Lyric cover art

ABOT ANG LANGIT

Apple Music logo
Deezer logo
Spotify logo
Lyrics
Isang ligaya na nakakabuhay ng dugo
Kitang kita sa iyo kahit ilihim patago
Pagkat kusang lalabas mga gusto mong gawin
Kakaiba na hindi pwede mong baliwalain
Dahil iba ang lupet kakaiba ang dating
Lumulutang ka sa hangin tenga mo'y nagpapanting
Dahil tamang matalino minsan tamang bobo
Kain ng kain kahit tiyan lumobo
At walang pakialam sa kapaligiran
Basta't ako ay masaya kaya ako'y tirahan
Dahil uubusin ko maging abo
Kaya itong hawak ko pwede bang apuyan?
Para tuloy-tuloy na ang paglangoy sa alapaap
At ang ulap sa langit ay tuluyan ng mayakap
Isa pa bago magdilem ang akin paningin
Ang maranasan kong matulog sa ibabaw ng hangin
Mistulang langit ang paligid ko
Nagagawa ko ang tumawa
Pagkat ikaw ang kapiling ko
Ang aking labi ay nasasabik sayo
Ako yakapin mo at pausukin na ang pag-ibig mong dala
Sa bawat sandali napapangiti napapangimi ang aking labi
Sa dulot na saya na iyong daladala
Ang utak ko ang diwa ko ay nagagalagala
Papunta sa kalawakan pati aking isipan
Utak may kalawakan nang ito ay mahigit
Ipanlilipad ng hangin ang aking katawan
Binabalot ng saya ang buong katauhan
Mabagal ang hakbang pinagpapawisan
Mga problema ko ay naiibsan
Dahil sayong pagmamahal sa akin
Di ko iniisip ang mga dadanasin
Dahil kasama ka kampante lang ako
Wala natong atrasan abante lang ako
Kahit mahilo ng todo, sige lang na sige
Basta damang dama kita ng maige
Mistulang langit ang paligid mo
Nagagawa ko ang tumawa
Pagkat ikaw ang kapiling ko
Ang aking labil ay nasasabik sayo
Ako'y yakapin mo
At pausukin na ang pag-ibig mong dala
Kaya salamat sa iyo napapatawa mo ako
Kahit na malungkot napapagana mo ako
Daig mo pa ang baterya kahit hindi pang matagalan
Pero labis naman ang dulot mong kaligayahan
Kaya pag nadyan ka sa tabi ko kompleto ang lahat
Wala na kong hinahanap kundi ang iyong halimuyak
Ako'y napapasunod sayo dahil ikaw ang amo ko
Ang mailap kong diwa ay napaamo mo
Masdan mo ako, sa'yo ay hibang
Sa sandaling ikay wala din na makapaglibang
Ako'y isama mong muli doon sa kaharihan
Panandalian man ito ay tamang sumunod lang
Ako sa agos ng himig
Malayang umibig na walang ibang nasasaktan
Ito'y hindi panaginip, kusang umihip at biglang napasa sakin lang
Ako'y sasama sayo hanggang sa kawalan
Pagkat ligaya ang sayo'y aking nararamdaman
Di ko kaya'ng pigilan ng aking damdamin ng ako'y
Biglang mo nang hinipan, oh
Nang ako'y hinipan
Nang ako'y naihipan mo
Nang iyong usok
Nang iyong usok
Nang ako'y naihipan
Nang ako'y naihipan mo

WRITERS

DARWIN FERIANEZA

PUBLISHERS

Lyrics © Evolution Media Ltd.

Share icon and text

Share


See A Problem With Something?

Lyrics

Other