LyricFind Logo
LyricFind Logo
Profile image icon
Lyric cover art

Prinsesa

Apple Music logo
Deezer logo
Spotify logo
Lyrics
Nang ako ay ma-in love muli grabe talaga
Ang puso ko ay nabighani sa isang dalaga
Na puno ng katangian at mala-porselana
Ang kulay ng balat halos dinaig n'ya si Rosana

Maangas kung pumorma at astig magsalita
Kumpara sa mahinhin s'ya ay medyo saliwa
Ang kanyang mga datingan ay parang Aiza Seguerra
'Pag mali ang biro mo ay handang makipaggiyera

Pero mabait s'ya at mahusay makisama
Lalo na kapag babae na ang kanyang kasama
S'yang magsisilbing Superman para sa lahat
Kapag ikaw ay nangbastos makakatikim ka ng sapak

Kaya bilib ako sa 'yo daig mo pa ang nanay ko
Sa katapangan at sa taray tiklop ang tatay ko
Kaya gano'n na rin ako para maging ka-close mo
Dahil mula ngayon ikaw na ang boss ko

Ako'y nabighani mo sa taglay na ganda mo
Ang puso ko'y napaamo mo at napa-in love mo ako nang husto
Okay talaga kakaiba ang nadarama
At parang pelikula na na-in love ako sa isang diwata

Kaya humanap ng tiyempo para ako ay makabigay
Hindi ako pabarabara na susugod lang bigla
Gusto ko 'yung preparado at kumpleto'ng aparato
May rosas at tsokolate bago ako mamarako

Kaya ang ginawa ko nagpatulong sa kaibigan n'ya
Para sa gayon labis ako na maibigan n'ya
At ako'y nagpagupit grabeng pabango
Naka-black shoes pa naka-polo pa ako

Kaya ako'y tinignan n'ya mula ulo hanggang paa
Hindi pa s'ya ngumingisi nakangiti na ang mata
At nakakapagtaka bigla s'yang pumalakpak
At 'yung kasamang kaibigan n'ya'y humahalakhak

Kaya laking gulat nila no'ng ako ay magtapat
Ikaw ang dahilan ng lahat kung ba't ako na sa 'yong harap
Pero hindi ka nagsalita hanggang sa huli
At isa lang iniwan mo hindi tayo talo p're

Ako'y nabighani mo sa taglay na ganda mo
Ang puso ko'y napaamo mo at napa-in love mo ako nang husto
Okay talaga kakaiba ang nadarama
At parang pelikula na na-in love ako sa isang diwata

Kaya pala kung kumilos ay parang lalaki
At gustong mga kasama'y mga tropa mong babae
At grabe kung mambola daig mo pa ang bolero
Ang lupit ng diskarte daig mo pa ang babaero

Pero 'di ko halata dahil sobrang ganda mo
Lalo na kapag suot mo na ang ternong palda mo
Ako ay napaakit at napapailing
Sa mala-morenang itsura kaya ako'y nahuhumaling

Pero bakit ikaw pa love na love na nga kita
'Kala ko ikaw na nga sa buhay ang makakasama
Ngunit 'pag katabi ka laging walang kibo
Pero 'pag sis na kasama ay nagkikikibo

Ako'y nabighani mo sa taglay na ganda mo
Ang puso ko'y napaamo mo at napa-in love mo ako nang husto
Okay talaga kakaiba ang nadarama
At parang pelikula na na-in love ako sa isang diwata

Maghihintay akong kahit ilang taon
Hindi man ngayon may tamang panahon
At parang pelikula na na-in love ako sa isang diwata

WRITERS

DARWIN L. FERIANEZA

PUBLISHERS

Lyrics © Evolution Media Ltd.

Share icon and text

Share


See A Problem With Something?

Lyrics

Other