Hugis ng pananabik ang namumulaklak sa
Panimula ng isang panahon kung sa'n nais kong umalis
Ibig kong maibalik lahat ng pangako at munimuni
Ng ating pagsama noong malamig ang gabi
Lahat ay sinugal para dito
'Di ko na kaya ang ika'y antayin
Sa aking paglisan ay paumanhin
Ang dilim sa balete sana 'yong makita
Na ako'y 'tinadhana sa Bugambilya
Ako'y dinala sa tabindagat nang halikan ng alon aking mga paa
At muling bumalik sa itinadhanang pag-ibig (pag-ibig)
At sa 'king pagdayo'y ako'y napadpad sa piling ng Mayon kung sa'n nalilimutan
Lahat ng sakit tuwing kabalse ang araw (ah)
Wala nang ipagpapalit para dito
Malaki ang hakbang ng aking pagpasya
Pangako hindi ka na luluha pa
Ako na ang bahala sa iyong pagkalaya
'Yan ang sabi sa akin ng Bugambilya
Mary had a lover then he went out to sail again
And when he left her dead and gone she had nothing to hold on
Mary wants to run away she no longer wants to stay
Girls like her wait in the dark for someone who will save her heart
Hugis ng pananabik ang namumulaklak sa panimula
Ng isang panahon kung sa'n nais kong umalis