Marami tayong napagdaanan
Aaminin kong hindi naging madali
Sila'y 'di makalimot sa nakaraan
Puso ko'y ikaw lang ang laman
Hindi natin kailangan pang patunayan pa sa kanila
'Pagkat ikaw lang at walang iba ang tinitignan ng aking mga mata
Kahit ano pa'ng sabihin nila
Basta't tiwala natin ay sa isa't isa
Wala na tayong pake sa kanila
Sa 'ting dalawa'y 'di komplikado
Kahit na may marinig man tayong kwento
Gusto lang nilang makisalo
Walang dudang ikaw ang gustong kapilingpp VG
Ikaw ang tanging nakakapagpasaya sa 'kin
Kahit ano pa man ang mangyari
Alam kong 'di ka lalayo sa 'kin
Hindi natin kailangan pang patunayan pa sa kanila
'Pagkat ikaw lang at walang iba ang tinitignan ng aking mga mata
Kahit ano pa'ng sabihin nila
Basta't tiwala natin ay sa isa't isa
Wala na tayong pake sa kanila
Tiwala at pag-ibig ang nangunguna sa ating dalawa