Walang pakialam sa mundong ginagalawan
Tila nasa isla na nag-iisa lamang
Kahit binabagyo, nanatili lang dito
Hindi kumikibo na parang nagtatago
Bigla kang dumating at nahanap mo ako
At parang ang ulan ay bigla nang huminto
Tunay ba ito o isa lamang 'tong laro
Daraan ka lang ba at iiwan rin ako
Natuto ang pusong kumapit
Isusugal ko 'to, kahit 'di sigurado
Samahan mo ako na maglakbay hanggang dulo
Hindi na bibitaw sa'ting bawat pangako
Mahulog man ang tala, sa'yo pa rin ang tingin ko
Asahan mong ako ang magiging tahanan mo
Natuto ang pusong kumapit
Isusugal ko 'to, kahit 'di sigurado
Hanggang sa magkita na rin tayo
Natuto ang pusong kumapit