Ako'y nandito lang 'wag kang mag alala
Pakikinggan ang 'yong bawat salita
Hindi papayag na ika'y mag iisa
'Di hahayaan na lumuha 'yong mata
Ako'y nabibighani sa 'yong mga ngiti
Ika'y mamahalin sa bawat sandali
Araw araw 'kaw laman ng 'king isipan
Gabi gabi ika'y napapanaginipan
Sa problema mo ay ako ang iyong gabay
Sa bawat ikot ng mundo handa 'kong maghintay
Hawakan aking kamay 'wag ka nang hihiwalay
Kumapit lang at ako magsisilbing tulay
Ako'y nandito lang 'wag kang mag alala
Pakikinggan ang 'yong bawat salita
Hindi papayag na ika'y mag iisa
'Di hahayaan na lumuha 'yong mata
Ako'y nandito na 'di ka nag iisa yeah
'Wag ka nang mangamba ika'y mahalaga
Sana'y hindi ka na lumuha pang muli yeah
'Di magsasawa na tumingin sa ningning ng iyong mga mata
Diretso'ng tingin at 'wag kang lumingon
'Wag matakot 'hakbang ang paa
Ibigay sa 'kin ang mga lungkot at kaba na dinadala
Mata ay imulat ito ay sinulat at para sa 'yo 'tong mahabang tula
Ako'y nandito lang 'wag kang mag alala
Pakikinggan ang 'yong bawat salita
Hindi papayag na ika'y mag iisa
'Di hahayaan na lumuha 'yong mata
Ako'y nandito lang ako'y nandito lang
Ako'y nandito lang ako'y nandito lang
Sa problema mo ay ako ang iyong gabay
Sa bawat ikot ng mundo handa 'kong maghintay
Hawakan aking kamay huwag ka nang hihiwalay
Kumapit lang at ako magsisilbing tulay
Ako'y nandito lang 'wag kang mag alala
Pakikinggan ang 'yong bawat salita
Hindi papayag na ika'y mag iisa
'Di hahayaan na lumuha 'yong mata
Ako'y andito lang ako'y andito lang oh whoa
Ako'y andito lang ako'y andito lang