gabi gabi ko nalang ba to hinahanap
yung dating pagsasama natin di na mahagilap
mahal naman kita pero lagi mong inaaway
hindi ko na alam kung dapat na ba ko masanay
na para bang tinanggal yung pagkalalake
binigyan mo nang sitwasyon na sobrang hirap
hindi ko nasagot kaya bigla nalang lumisan
gusto mo ba yung nakikita mo akong
nahihirapan kasi sayang yung mga pinagsamahan
hindi na droga pero sa pag ibig mo ako'y lulong
kaya hindi pa din alam kung bat mo pinakawalan
gusto mo bang sabihin ko sayo tunay na dahilan
kung bakit hanggang ngayon di kita pinapakawalan
sa mundo kong gulong gulo ikaw lang yung nakabuo
kaya hindi mo masisisi kung ako'y baliw sayo
ano ba talaga yung gusto mo
bat di nalang sabihin totoo
gusto kong ibalik yung dati
kaso lang ay malabo yon mang yare
kaw ang hanap yoko sa ibang babae
laging hinahanap ang yong labi
mga ala alang mahirap kalimutan
dating tayo sana pwede kong ma ibalik
dati kasiyahan lang ang laging dinudulot
kaso lang nung tagal ay kalungkutan pumalit
nag aalab pa tong pag ibig ko na dala dala para sayo
alam ko na namimiss mo rin ako di mo matago
sakin mag tapat wag kang matakot
dami nating labang mga pinanalo
sabay nating harapin yung mga hamon
ano ba talaga yung gusto mo
bat di nalang sabihin totoo
pati mga tableta nilaklak ko na
pati oras sa sarili nasa'yo na
puro pabago-bago, puro ba panggagago?
baka dito na matapos, tinanggap ko na.
panong di dadami yung babae?
pag minamahal ko eh umaalis naman saaken
nung binigay lahat eh sinasayang mo naman
hindi ka na natuto sinasanay mo nalang
nakikita mo lang halaga ko pag umaalis na
madami iba dyang mapapanis ka
tiniis kita, nagsisi ako di na (ahh)
alam mo sa sariling kasalanan mo
nagbago ako? di ko naiwasan to
magmula nung naging parang laruan
naging parang laruan sa'yo
ano ba talaga yung gusto mo
bat di nalang sabihin totoo