Mukha mo agad ang gusto ko makita sa pag-gising ko
Hindi ko yata kaya na matulog kung wala ka dito
Kapag nakatitig sayo, tumitigil ang mundo
Lagi nalang tayong ganito
Mabuti na lang at nandiyan ka
Sa buhay ko ikaw ang pinakamagandang nangyari
'Di na rin ako muling babalik pa sa dati
Ikaw ang ngayon at bukas ko
Ikaw ang destinasyon na dulo
Hindi magsasawa na ikaw ay alayan
At kahit pa araw-araw kita na ligawan
Dahilan kung bakit nagbago ang tulad ko
Salamat at nanatili ka sa tabi ko
Tandaan mo, hindi ako mapapagod
Kung para sayo, basta't para sayo
Alam ko minsan na kitang nasaktan
Sa oras na may pinag-aawayan
Gaano man kadalas ang pagtatalo
Salamat dahil hindi ka sa akin sumuko
Ikaw ang tangi kong dahilan
Kung bakit ang magmahal muling natutunan
'Di nagbago tibok ng 'yong puso
Noon pa may meron nagawang kasalanan
Mabuti na lang at nandiyan ka
Sa buhay ko ikaw ang pinakamagandang nangyari
'Di na rin ako muling babalik pa sa dati
Ikaw ang ngayon at bukas ko
Ikaw ang destinasyon na dulo
Hindi magsasawa na ikaw ay alayan
At kahit pa araw-araw kita na ligawan
Dahilan kung bakit nagbago ang tulad ko
Salamat at nanatili ka sa tabi ko
Tandaan mo, hindi ako mapapagod
Kung para sayo, basta't para sayo
Hindi magsasawa na ikaw ay alayan
At kahit pa araw-araw kita na ligawan
Dahilan kung bakit nagbago ang tulad ko
Salamat at nanatili ka sa tabi ko
Tandaan mo, hindi ako mapapagod
Kung para sayo, basta't para sayo