Sa layo ng pagitan nating dalawa
Hindi ko mapigilan na maisip ka
Oh lumalamig na ang gabi sa pag-iisa
Nagliliyab ang puso sa tuwing naaalala sinta
Oras ma'y iba sa ating dalawa
Nararamdaman natin ay iisa
Ibibigay lahat matulay lang ang agwat
Hanggang sa huli na makapiling ka
Kung agwat na ang kalaban paano papalag (paano papalag)
Ang oras ay pagitan na di ko matibag
Oh nababaliw sa sandali naaalala
‘Di kita pwedeng makatabi sa pag-iisa
Oras ma'y iba sa ating dalawa
Nararamdaman natin ay iisa
Ibibigay lahat matulay lang ang agwat
Hanggang sa huli na makapiling ka
Oo nga hindi madali (hindi madali)
Humawak lang hanggang sa huli
Sumpaang hindi bibitaw (sumpaang hindi bibitaw)
Oras ma'y iba sa ating dalawa
Nararamdaman natin ay iisa (iisa)
Ibibigay lahat (ibibigay lahat) matulay lang ang agwat
Hanggang sa huli na makapiling ka