Minsan naiisip ko ba't wala pa siya
Palaging indian na lang ba
'Di naman gano'n ka-pangit
Meron ding pambili ng siomai at calamares
Dagdagan mo pa ng fishball
O pati na rin ng kwek kwek
Simple lang pangarap na aking kinakamit
Dahil gusto ko lang naman (gusto ko lang naman)
Loyal naman ako't hindi magloloko
Gusto ko lang ng makakasama
Sabi nila ay maghintay ka lang
Normal bang dalawang dekada na 'kong overtime
'Di nga naman ako perpekto
Kahit itanong n'yo pa sa mga tropa ko
'Di rin malakas sa inuman
At kung malungkot ka'y tiyak ako ay nariyan
Dahil gusto ko lang naman (gusto ko lang naman)
Loyal naman ako't hindi magloloko
Please gusto ko lang ng makakasama
Dalawang dekada nang naghihintay
Dalawang dekada nang naghihintay
Hanggang ngayon bakit bakit wala
Hanggang ngayon bakit bakit wala
Kasi gusto ko lang ng makakasama