LyricFind Logo
LyricFind Logo
Profile image icon
Lyric cover art

Bituin Walang Ningning

Apple Music logo
Deezer logo
Spotify logo
Lyrics
Kung minsan ang pangarap
Habang buhay ito'y hinahanap
Bakit nga ba nakapagtataka
'Pag ito ay nakamtan mo na
Bakit may kulang pa

Mga bituing aking narating
Ngunit langit ko pa rin ang iyong piling
Kapag tayong dalawa'y naging isa
Kahit na ilang laksang bituin
'Di kayang pantayan ating ningning

Balutin mo ako ng hiwaga ng iyong pagmamahal
Hayaan magtakpan ng kinang na 'di magtatagal
Mabuti pa kaya'y maging bituin walang ningning
Kung kapalit nito'y walang paglaho mong pagtingin

Itago mo ako sa lilim ng iyong pagmamahal
Limutin nang magpalarong kinang ng tagumpay
Sa piling mo ngayon ako'y bituin walang ningning
Nagkukubli sa liwanag ng ating pag-ibig

Mga bituin aking narating
Ngunit langit ko pa rin ang iyong piling
Kapag tayong dalawa'y naging isa
Kahit na ilang laksang bituin
'Di kayang pantayan ating ningning

Balutin mo ako ng hiwaga ng iyong pagmamahal
Hayaang matakpan ang kinang na 'di magtatagal
Mabuti pa kaya'y maging bituing walang ningning
Kung kapalit nito'y walang paglaho mong pagtingin

Itago mo ako sa lilim ng iyong pagmamahal
Limutin nang magpalarong kinang ng tagumpay
Sa piling mo ngayon ako'y bituin walang ningning
Nagkukubli sa liwanag at kislap ng ating pag-ibig
Hmm

WRITERS

Willy Cruz

PUBLISHERS

Lyrics © Sentric Music

Share icon and text

Share


See A Problem With Something?

Lyrics

Other

From This Artist