Oh buwan pwede ko bang maitanong
Ikaw na nga ba ang tanging sagot sa panalangin ko
Alam kong hindi palaging kalma ang aking alon
Oh buwan maaari ba 'kong magpaalaga sa'yo
Papakinggan mo ba ang mga bagong kaganapan
Sa aking araw na tanging ikaw ang pupuntahan
Alam kong 'di ako sanay ng may sinasandalan
Pasenya na't kailangan mo pa
Ako turuan na magpahinga oh sinta
Ang dami kong paniniwalang nais limutan
At buti na lang dumating ka
Oh buwan alam mo naman kilalang-kilala mo ako
Na ang aking tanging kahihiyan ay ang humingi ng tulong
'Di namalayang ako ay nasanay na laging ako ang bigay nang bigay
Hirap naman akong magtanggap salamat sa iyong mga yakap
Alam kong 'di ako sanay ng may sinasandalan
Pasenya na't kailangan mo pa
Ako turuan na magpahinga oh sinta
Ang dami kong paniniwalang nais limutan
Sa dalampasigan aking nasilayan
Ngiting natatangi na hulog ng langit
Sa pagsimoy ng hangin muling nakapiling
Ang matamis na halik nakakapanabik
Sa atin ang balse ng dagat at buwan balse ng gabi
Kita ang iyong tala sa karagatang aking iniibig