Usap-usapan na naman tayong dal'wa
Meron na namang kumalat na balita
Sabi-sabi ng ating mga kaibigan
Iba daw ang pagtingin ko sa'yo
Puro bola ang mapapala natin sa kanila
'Sensya na alam kong nakakailang
'Di bale wala akong gusto sa'yo
At kung mahulog man ay 'di ko masasabi
At kahit nais ko ay 'di ko kayang gawin
Sabi-sabi ng iba bagay daw tayo oh
Dati-rati ay parang balewala lang ang mga tukso
At ngayon-ngayon na lang naramdaman ng aking puso
Na para mayro'ng nag-iba sa pagtingin ko sa'yo
Usap-usapan na naman tayong dal'wa sana lang malaman kung anong ganap sa
Iyong isipan alam ko na kaibigan lang ang pagtingin mo sa'kin ngayon
'Di ako naiilang sa kanila 'lam mo naman sanay akong mapagtripan pero
'Di ko rin masabing 'di ko napag-iisipan ang pagtingin ko sa'yo
Pasensya na't tahimik lang ako sa ganito
Sana'y 'yong madinig ang tibok ng puso ko
Sabi-sabi ng iba bagay daw tayo woah woah oh
Dati-rati ay parang balewala lang ang mga tukso
At ngayon-ngayon na lang naramdaman ng aking puso
Na para mayro'ng nag-iba parang may nagbago
Sa aking pagtingin ano bang gagawin
O sana'y 'di pansin na ako ay umiibig oh
Sabi-sabi ng iba bagay daw tayo oh
Dati-rati ay parang balewala lang ang mga tukso
At ngayon-ngayon na lang naramdaman ng aking puso
Na para mayro'ng nag-iba sa ating pag-ibig oh-oh
Mayro'ng nag-iba sa ating pagtingin