LyricFind Logo
LyricFind Logo
Profile image icon
Lyric cover art

Kpgd

Apple Music logo
Deezer logo
Spotify logo
Lyrics
Sabi mo di ka bolero
Pero ba't iba ang yakap mo
Sabi mo di ka maloko
Pero ba't ang dami mong dahilan (iniisip mo iniisip mo lang yan)
Ayan ka na naman

Kapagod nang magselos
Kapagod nang maghintay
Kapagod nang lumuha magdamag
Kapagod nang umasa
Kapagod nang masaktan
Kapagod na maiwan mag-isa
Kapagod na

Bakit ba ang kumplikado
Ikaw lang ang tibok ng puso
Di ko malaman ang gusto mo
Pero sanay na rin naman ako
Bahala na ayoko nang
Magmukhang tanga hay

Sabi mo wag maghinala
Pero ba't ang dami mong dahilan (iniisip mo iniisip mo lang yan)
Ayan ka na naman

Kapagod nang magselos
Kapagod nang maghintay
Kapagod nang lumuha magdamag
Kapagod nang umasa
Kapagod nang masaktan
Kapagod na maiwan mag-isa

Kapagod nang magseryoso
Sa katulad mong
Di lang ako pinapaikot-ikot
Di na natuto
Paulit-ulit lang naman ito
Sa katulad mong
Di lang ako pinapaikot-ikot
Di na natuto
Kapagod na aah

Andito ka (andito ka)
Sa aking harapan (ayoko na kapagod na lumayo ka na)
Ayoko na (ayoko na)
Ayoko nang masaktan (ayoko na kapagod na lumayo ka na)
Andito ka (andito ka)
Sa aking harapan (ayoko na kapagod na lumayo ka na)
Ayoko na (ayoko na)
Ayoko nang masaktan

WRITERS

ANNE MARGARETTE R. DETERA

PUBLISHERS

Lyrics © Universal Music Publishing Group

Share icon and text

Share


See A Problem With Something?

Lyrics

Other