Kay sarap, pagmasdan ng Iyong labi
Sa tuwing nagsasalita, sadya ako namamangha
Anghel ka ba? Na bumaba sa kalangitan
Tamis ng boses mo sinta, walang panama ang iba
Kaya't dito ka lang, wag munang lumisan
Yakapin mo ako ng mahigpit at wag bitawan
Dito ka lang, oh aking Paraluman
Di kita pababayaan, ika'y aking iingatan
Dadamahin ko lang ang init
Para bang tayo naglalakbay
Sumasabay, Sa ulap sa Kalangitan
Kaya't dito ka lang, wag munang lumisan
Yakapin mo ako ng mahigpit at wag bitawan
Dito ka lang, oh aking Paraluman
Di kita pababayaan, ika'y aking iingatan