Mga pangarap ko'y di mo kayang ihipan
Ang pagtayo nito'y hindi ko lang basta pinag-isipan
Kumilos humangos napaos dinaanan ang hirap
Nilagpasan ang patibong sa itaas nagdoble ingat
Maagang lumawak ang aking pananaw
Maagang natuto maagang nagutom maagang nauhaw
Alam ko na utol kung pa'no
Nagturo sakin neto'y ako lang walang sindikato
Sa harapan ko ang daming hadlang gusto'ng balato
Nais subukan ang kontrabidang barumbado
Paslang humarang sa mga plano tira'y asintado
Nagsitaasan ang mga kilay ng mga may dilang edukado
Surpresa mga gago andito na 'ko boy
'Di nyo na 'to maapula 'tong dinudura ko na apoy
Habang sila'y gumagawa ng meme
Na ako'y nagbibigay liwanag at hindi lagim