LyricFind Logo
LyricFind Logo
Profile image icon
Lyric cover art

Dati (ft. Belle Mariano)

Apple Music logo
Deezer logo
Spotify logo
Lyrics
Oh
Oh yeah
Yeah

Dati-rati sabay pa nating pinangarap ang lahat
Umaawit pa sa hangin at amoy araw ang balat
Naaalala ko pa noon nag-aagawan ng Nintendo
Kay sarap namang mabalikan ang ating kwento
Lagi-lagi ka sa amin dumidiretso pag-uwi
Maglalaro ng tao-taong piso-pisong nabili
Umaawit ng theme song na sabay kinabisa
Kay sarap namang mabalikan ang alaala

Ikaw ang kasama buhat noon
Ikaw ang pangarap hanggang ngayon (hanggang ngayon)

'Di ba't ikaw nga 'yung reyna at ako ang iyong hari
Ako 'yung prinsesang sagip mo palagi
Ngunit ngayo'y marami ng nabago't nangyari
Ngunit 'di ang pagtingin (ngunit 'di ang pagtingin)
Na gaya pa rin ng da-ra-rat-da-dati (na gaya pa rin)
Da-ra-rat-da-dati da-ra-rat-da-dati
Na gaya pa rin ng (dati dati)

Dati-rati ay palaging sabay na mag-siesta
At sabay rin gigising ng alas kwatro y medya
Oh sabay manonood ng paboritong programa (sabay manonood)
Oh kay tamis naman mabalikan ang alaala

'Di ba't ikaw nga 'yung reyna at ako ang iyong hari
Ako 'yung prinsesang sagip mo palagi
Ngunit ngayo'y marami ng nabago't nangyari
Ngunit 'di ang pagtingin (ngunit 'di ang pagtingin)
Na gaya pa rin ng (na gaya pa rin)

Yeah dati-rati ay naglalaro pa ng bahay-bahayan (oh)
Gamit-gamit ang mantel na tinatali sa kawayan (mm)
At pawang magkakalaban 'pag nagtataya-tayaan
Pero 'singtamis ng kendi 'pag nagkakasal-kasalan
'Di ba dati ay nagkukunwaring Marvin at Jolina (oh)
Minsan ay tambalang Mylene at Bojo Molina
Ang sarap sigurong balikan ng mga alaala
Lalo na't kung magkayap mga bata't magkasama at

Parang Julio't Julia lagi tayong magkasama
Sabay tayong umiiyak 'pag inaapi si Sarah
Una kang kinakatok sa pagsapit ng umaga
Sana mabalik pa dati nating pagsasama

'Di ba't ikaw nga 'yung reyna at ako ang iyong hari (oh)
Ako 'yung prinsesang sagip mo palagi
Ngunit ngayo'y malayo ka't malabong mangyari
Ang aking pagtingin (oh ibulong na lang sa hangin)
Pangarap na lang din (pangarap na lang din)
Na gaya pa rin ng (na gaya pa rin)
Da-ra-rat-da-dati
Da-ra-rat-da-dati da-ra-rat-da-dati
Na gaya pa rin ng
Da-ra-rat-da-dati da-ra-rat-da-dati
Da-ra-rat-da-dati
Na gaya pa rin ng
Ng dati

WRITERS

Thyro Alfaro, Yumi Lacsamana

PUBLISHERS

Lyrics © Universal Music Publishing Group

Share icon and text

Share


See A Problem With Something?

Lyrics

Other