'Sang lihim ang pagtingin sayo
Sa tago lang ang pagibig ko
Dahil sa lihim hinding hinding hindi ka lalayo
Ngayon na may nagpapaligaya na
Sa lihim na lang binaon ang luha
Pinilit pilit pilit maging masaya
Inamin lang sanang nararamdaman
Sayong mga ngiti akong dahilan
Sana sinabing ayokong kaibigan lang
Mga ngiti mo'y kaligayahan ko
Lahat ng nararating, Pinagdiriwang ko
Ngunit ngayon sa tuktok nito
Hindi pala ako ang katabi mo
Inamin lang sanang nararamdaman
Sayong mga ngiti ako ang dahilan
Sana sinabing ayokong kaibigan lang
Di mo ba minsan naramdaman
Na Pagturing ay higit pa sa kaibigan
Pinili mo lang bang mag bulag bulagan
Dahil hindi mo kayang pantayan
Paalam kaibigan, hanggang dito na lang
Inamin lang sanang nararamdaman
Sayong mga ngiti ako ang dahilan
Inamin lang sanang nararamdaman
Sayong mga ngiti ako ang dahilan
Sana sinabing ayokong kaibigan lang