Ito na naman palaging paulit-ulit lang itong sumpa
Ako'y sawang-sawa na masaktan
Binigay ang puso ko sa isang hangal
Ilang beses na ako'y iniwan lang sa kawalan
Medyo ako'y nasanay na nang mag-isa
Bigla na lang sila lumaho nang walang kasabihan
Kailan pa ba kita masisilayan
Ang puso'y handa na ibigay lahat sa 'yo
Nakatitig lang sa kawalan
Iniisip kung sa'n na papunta ito (oh)
Ibibigay lahat ng makakaya ko
Ako'y mag-aantay hanggang dulo
Sa dami ng dalamhati na aking nalampasan (oh)
Umaasa na ika'y matagpuan
Ikaw na lang ang kulang sa 'king walang hanggan
Kailan pa ba kita masisilayan
Ang puso'y handa na ibigay lahat sa 'yo
Nakatitig lang sa kawalan
Iniisip kung sa'n na papunta ito
Ibibigay lahat ng makakaya ko
Ako'y mag-aantay hanggang dulo
Nakatitig lang sa kawalan
Iniisip kung sa'n na papunta ito (oh)
Ibibigay lahat ng makakaya ko (oh)
Ako'y mag-aantay hanggang dulo
Nakatitig lang sa kawalan
Iniisip kung sa'n na papunta ito (oh)
Ibibigay lahat ng makakaya ko (oh)
Ako'y mag-aantay hanggang dulo