Ano nga bang nagustuhan ko sa iyo
Dati panay dedma ngayon ay todo papansin
Gusto kitang daanan sabagay sweldo naman
Baka mapasubo ng hindi handa, ayoko na
Nais kitang makita pwede namang walang malisya
Kahit ako'y siga man ay nagiging marupok sa iyo
Ikaw lamang ang langit na aking gustong puntahan
Kailan makakasilip ng pag-asa
Gusto kitang ayain kung saan saan
Mapa fine dining o kahit sa tabi tabi lang naman
Makahalata ka naman sana wag kang tanga
Wala na bang makita sa akin iyong mga mata
Nais kitang makita pwede namang walang malisya
Kahit ako'y siga man ay nagiging marupok sa iyo
Ikaw lamang ang langit na aking gustong puntahan
Kailan makakasilip ng pag-asa
Pangarap ko tayo'y magka-ibigan sana'y masumpungan
Naghahabulan, naglalarong taguan dun sa damuhan
Ako yung bubuyog na naghihintay sa iyong pagbuka
At ikaw lang yung bulaklak na namukadkad sa ilaw na mapula
Halimuyak mo'y parang nektar nakakamangha
Gawin nating pulot, pagsaluhan natin at dagdagan ng gata
Kailan makakasilip ng pag-asa sa iyo.
Nais kitang makita pwede namang walang malisya
Kahit ako'y siga man ay nagiging marupok sa iyo
Ikaw lamang ang langit na aking gustong puntahan
Kailan makakasilip ng pag-asa
Di ko magets kung kelan talaga na ako'y bumaet lalo pang pumait
Kung pwede lang sana na ako'y kumabit, sa kanya'y pumalit sa iyo'y sumagip
Sana ako'y mapalapit, puso mo ay wag lumamig at napakasakit
Sa akin na hindi mo pagbigyan ang nararamdaman ng puso ko na nangungulit
Pwede bang dumikit kahit saglit lang, kahit magpumilit dali pakinggan mo
Aking hiling maning mani lang, sa iyo pagbigyan ako kahit minsan
Kailan makakasilip ng pag-asa"