Nakayapos na naman sakin ang dilim
Pinipilit na sabihin daw aking mga lihim
Di makaimik dahil nilamon na ako
ng mga demonyo na nasa paligid ko
May bumubulong nanaman sa aking tenga
Yung Anino nalang ba talaga ang kasama
Ikaw nandyan lang ba talaga para sakin lamang
Ikaw nandyan lang ba talaga para sakin lamang
'Di ba satin yon dalawa para ba sa sarili ko yon edi pasensya na
Di ko na kase kinaya Walang liwanag na dumadating
Sa tuwing ako'y mag-isa para kong napapraning
Para ba akong napapraning
Para ba akong napapraning
Kahit ano nadidinig ng sarili ko
Hindi parin madama ang saya sa mundo na ito
Di ko alam bat kase ganito
Nakabaon nalang palagi sa kahapon
Napapatanong sa salamin bat naman tinapon
Kokote tila puno ng puro tanong
Lagi naman ganon dadating paba ang panahon
Umaambon na halata yung lungkot sa mata
Kahit kailan mga patak hindi na mabubura
Gipit sa dibdib baka wala nang mabubuga
Habang buhay nakatanikala
Nagpapakita ulit yung mga lumang marka
Kinakalawang na yung buhay
Sino ba sakin ang pumatay
Pakiramdam ko na meron sumabay
Pakay mo pala yung ganong mga bagay
Yung Kamay mo lang naman ang kinakailangan ko
Ikaw lang makakasagip walang iba