Wag ka na maingay dito lang tayong dalawa
Ako ang bahala wag ka ng mag-alala
Tanggalin mo sayo ang kaba
Sa may paraiso tayo pupunta
Di nako lilingon pa sa iba
Andyan ka naman hindi ko kailangan sila
Dahil mas ramdam kong buhay ako dito sa mundo
Pag magkausap tayong dalawa
Oras na to para masimulan
Pagmamahalan sabay tayo titingin sa buwan
Kasing ganda ng mga mata mo pagtinitignan
Kitang kita ko sayo ang kinang
Mas lalo akong nahuhulog pag
Masaya ka sakin na kasama ka
Kaw kasi bukod tangi sakanila
Gumagaan yung aking paghinga
Magkasama pa rin naman tayo doon sa huling pahina